Monday, November 29, 2010

UNDER THE NARRA TREE

I still remember it well-- it was a glorious June morning. The whole country celebrated Independence Day while my husband Dan and I, after committing the day in prayer, spent our holiday in search of our “promised land.”

After scouting around the whole morning, we were getting ready to go home when our friend beckoned us towards a lot she was selling… and there it stood -- a poor almost lifeless tree, dried up from years of people burning trash beside its trunk. It stood forlorn - not quite, but almost in the middle front part of a vacant lot which the Lord was to give us.

Five months later, as the engineer began to “concretize” what the architect had on paper, the Narra tree seemed a burden and needed to be cut. Also, it was unsightly and very much in the way of the planned driveway. However, it’s a NARRA tree and therefore we had to have a permit to cut it. After days of deliberation (for I loved the way the tree seemed to “hang on for dear life”), I believe the tree won when we decided to modify the house plans and SPARE the Narra tree!!

Three to four months ensued… different batches of workers came and went… there were masons and carpenters then painters and tilers… weeds were pulled out and rocks were taken out as the foundation of the house was laid. It was on a sunny February morning the following year when we noticed that we had an entirely “new” tree before us-- left “alone” and freed from the daily dose of burning trash, our tree quietly developed until it grew taller than the two storey house, it’s branches like arms that reached out towards the sky… full of leaves – lovely, lively, GREEN leaves!

We have since then moved into our Faith House and nary has a day gone by when I don’t bask at the beauty the tree has added to our home. Every time I sit under the Narra tree, I cannot help but thank the Lord for the “singing” creatures it shelters, for the breeze that I feel after having rustled the tree, for the shade during the heat of the day and even for the shelter it affords in heavy rains.

I was once like that Narra tree – DRY and spiritually uncomely: Romans 3:10, 23 say “There is none righteous, no, not one…For all have sinned and come short of the glory of God.” I was a soul on the way to eternal fire!!

There is no place in heaven for a ghastly sinful creature as I, and on my own merit, I could not be spared. Ephesians 2:8, 9 declares “For by grace are ye saved through faith; and that not of yourselves: it is the gift of God: not of works, lest any man should boast.”

But what a blessed relief, although “… the wages of sin is death... the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord.” (Romans 6:23)

Years ago, through a neighborhood Bible Club, I learned of that great gift: “For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.” (John 3:16) I called on Him, confessed my sins and claimed his gift of salvation. Romans 10:13 assures “whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved.” God spared my soul and Jesus came into my heart!

“I waited patiently for the Lord;
and He inclined unto me, and heard my cry.
He brought me up also Out of an horrible pit,
Out of the miry clay, and set my feet upon a rock,
And established my goings.
And he hath put a new song in my mouth,
Even praise unto our God:
Many shall see it, and fear,
And shall trust in the Lord.”
Psalm 40:1-3

I have since that time like our Narra tree, flourished under God’s tender care… stubborn- I fall BUT yielded- I grow. I am not as “green and fruitful” as I want to be at times, yet the Lord in His loving kindness honors my little efforts (I Samuel 2:30)

“The Lord will perfect that which concerneth me:
Thy mercy, O Lord, endureth for ever:
Forsake not the works of thine own hands.”
Psalm 138:8

He is the Vine, I -- a mere branch, but as long as I abide in Him, I can through His strength bring forth fruit “for without Him, I can do nothing.” (John 15:5)

My dear FRIEND, I care for you deeply and God loves us more than any Narra tree! Christ addresses us today in Revelation 3:20 “Behold, I stand at the door, and knock: If any man hear my voice, and open the door, I will come in to him, and will sup with him, and he with me.”

If you accept Christ into your heart today, you will be much better than our Narra tree. I know, for one day long ago - I DID! Won’t you accept His gift of salvation today?

“And he shall be like a tree
planted by the rivers of water,
That bringeth forth his fruit in his season;
His leaf also shall not wither;
And whatsoever he doeth shall prosper.”
Psalm 1:3

Ipb083006

To have a personal relationship with Christ, I simply followed His word…I recognized that I was a sinner and confessed it to Him. I thanked God for sending His Son to die on the cross for my sins and accepted the Lord Jesus Christ into my heart to be my Lord and Savior.


Since I got saved, the Lord has impressed upon me the importance of fellowshipping with other believers. Hebrews 10:23-25 instructs “Let us hold fast the profession of our faith without wavering; for he is faithful that promised; And let us consider one another to provoke unto love and to good works: Not forsaking the assembling of ourselves together…but exhorting one another: and so much the more, as ye see the day approaching.”


I would like to invite you to come and worship with me sometime at


GOSPEL LIGHT BAPTIST CHURCH
23 Matahimik St.
Cor. V. Luna Extension near Kalayaan Ave.
Barangay Malaya, Diliman Quezon City


Church Services
Sunday School: 9AM
Sunday Morning Service: 10 AM
Evening Service: 6 PM
Wednesday Prayer Meeting: 7 PM

SA ILALIM NG PUNO NG NARRA

Natatandaan ko noon…isang maluwalhating umaga ng Hunyo ang bansa’y nagdiriwang ng araw ng kasarinlan. Matapos naming ilaan sa panalangin ang buong maghapon, nagsimula na kami ni Dan na hanapin ang aming “lupang pangako”.

Pauwi na sana kami matapos maglibot ng umagang iyon nang maisipan ng aming kaibigang ahente na ituro sa amin ang isa pang loteng kanyang iniaalok…

At hayun siya, isang puno na halos walang buhay, tuyot at sinalanta ng maraming taon ng pagiging tapunan at sunugan ng basura. Isang ulilang punong nakatindig sa harap ng bakanteng lote na siya palang aming magiging “lupang pangako”.

Ngunit nang sisimulan na ng inhinyero na isakatuparan ang magandang plano ng arkitekto, napag-alaman nilang ang punong narra bukod sa hindi kalugud-lugod pagmasdan nang mga panahong yaon ay nagiging sagabal pa sa nakaplanong driveway. Gayunman, ipinagbabawal ang pagputol ng mga punong kahoy lalo pa kung narra at walang pahintulot sa kinauukulan.

Hindi naging matahimik ang mga gabing nagdaan para sa amin ni Dan, naroon ang aming matinding kasabikan na simulan na ang aming bahay upang hindi abutan ng tag-ulan ang mga nakahandang materyales. Naroon ding nakatindig sa aming isip ang larawan ng kawawang punong yaon na para bang nagpipilit mangunyapit sa kakarampot na puwang ng lupa at nagsusumamong igalang ang kanyang karapatang mabuhay.

Sa wakas, nakuha niyang baguhin ang buong plano ng aming bahay upang mabigyang katuparan ang marahil ay mas malawak na hangarin ng Lumikha.

Ilang buwan matapos ang umaatikabong gawaan, ang bahay namin ay naitayo, napintahan at nalinis ang buong bakuran. At isang araw ng Pebrero ng sumunod na taon napansin namin ang kakaibang anyo ng punong narra sa gilid ng aming driveway. Mabulas na lumagpas pa ang taas sa aming bubungan. Makulay na ngayon ang mga dahon sa mga malalabay na sangang parang nagpipilit abutin ang pisngi ng langit.

Nakalipat na kami ni Dan sa aming bagong tahanan at bihirang araw ang hindi ko ipinagpapasalamat sa Maykapal dahil sa aming tahanan, na nagmula sa kaniya, at sa puno ng narra; lalo na sa mahinhing lagaslas ng kanyang mga dahon na iniuugoy ng hangin; sa mga awit baga o huni kaya ng mga nagkakatuwaang kulisap na sa kanya’y naninirahan; o sa malamig na lilim na inilulukob niya sa amin o inihahandog niya sa sinumang nakikisilong dahil sa init ng araw o sa malamig na patak ng ulan.

Minsan ako’y isang punong narra rin na uhaw sa kaluwalhatiang espiritwal: Mga Taga Roma 3:10, 23 “Walang matuwid, wala,,,wala kahit isa. Sapagka’t walang pagkakaiba: sapagka’t ang lahat ay nangagkasala, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” Ako’y isang kaluluwang natuyo sa walang katapusang apoy.

Ang maksalanang katulad ko’y walang puwang sa langit at hindi ako maliligtas kung sa sariling kakayahan ko lang. Mga taga Epeso 2:8, 9 “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri”

Ngunit gayunma’y napakabanal na biyaya “…sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” (Taga Roma 6:23)

Mga ilang taon na sa pamamagitan ng isang Bible Club ay napag-alaman ko ang gayong dakilang handog: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)Tinawagan ko Siya, ikinumpisal ko ang aking mga pagkakasala at inangkin ko ang aking kaligtasan…”Sapagkat ang lahat ng nagsitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.” (Taga Roma 10:13) Iniligtas ng Dios ang aking kaluluwa at nasok si Hesus sa aking puso!

“Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; At siya’y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.
At siya’y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, samakatuwid bagay pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon”
Mga Awit 40:1- 3

Mula noon, nanagana ako tulad ng aming punong narra, sa pangangalaga ng Panginoon…Hindi ako naging masagana sa lahat ng pagkakataon ngunit pinahahalagahan ng Dios ang maliliit kong ipinamalas (I Samuel 2:30)

“Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin; Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man; Huwag mong pababayaan ang ang mga gawa ng iyong sariling kamay.”
Mga Awit 138:8

Siya ang puno ng ubas ako ay sanga lamang ngunit hanggang ako’y nananatili sa kanya, sa pamamagitan ng kaniyang lakas, ako’y nagbubunga ng marami “pagkat kung ako’y hiwalay sa Kanya, wala akong magagawa.” (John 15:5)

Mga mahal kong Kaibigan, mataos akong nagmamalasakit sa inyo at mahal tayo ng Dios nang higit sa isang punong narra. Nagpapahayag ang Dios ngayon sa atin sa Apocalipsis 3:20 “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, ay siya’y kasalo ko.”

Kung tinatanggap mo si Kristo sa iyong puso ngayon, magiging mabuti ka pa kay sa aming punong narra, malaon ko nang natuklasan yon at ginawa. Tatanggapin mo ba kaya ang alok ng kaligtasan ngayon?

“At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig. Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, Ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta; At anomang kaniyang gawin ay giginhawa,”
Mga Awit 1:3

Upang magkaroon ng personal na relasyon kay Kristo, sinunod ko lamang ang kaniyang sinabi…Kinilala ko ang ikinumpisal ko sa kanya na ako ay isang makasalanan. Pinasalamatan ko ang Dios sa ibinigay niyang anak na namatay sa krus dahil sa aking mga kasalanan at tinanggap ko Siya sa aking puso bilang aking Panginoon at tagapagligtas.

Simula ng ako’y maligtas, ikinital sa akin ng Panginoon ang kahalagahan ng pakikisalamuha sa aking mga kapwa sumasampalataya.
Ang Hebreo 10:23 ay naguudyok sa atin na:
“Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag mag-aalinlangan: sapagka’t tapat ang nangako: At tayo’y mangagtinginan upang tayo’y manga-udyok sa pag-iibigan at mabubuting gawa: Na huwag nating pababayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangngangaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.”

Nais kitang anyayahan na minsa’y dumalo at makisamba sa

GOSPEL LIGHT BAPTIST CHURCH
23 Matahimik St.
Cor. V. Luna Extension near Kalayaan Ave.
Barangay Malaya, Diliman Quezon City

Church Services
Sunday Morning Service: 10 AM
Evening Service: 6 PM
Wednesday Prayer Meeting: 7PM